Lakad for the Day: Student’s Permit sa LTO

Woke up extra early today dahil sa kelangan kong mag-apply ng student’s permit para magamit ko ang carlaloo ni dinobells. Hahahahaha!!! So I left home a little past 7am and arrived at LTO Las Piñas Branch by 7:30am. Wala pa masyadong tao.

So stepelya sa pag-aapply ng student permit:

1. Kumuha ako ng application form sa kuyang naka-puwesto sa isang silya at lamesa pagpasok mo ng compound ng lto. Hihi. Fill-up fill-up kapag may time.

2. Umupo sa silya at nagfill-up na ng application form. Tapos waitlakels ng office hours. While sitting, nakita ko ang banner ng step-by-step application. Hahaha!

Ayan! I-view nyo ng bongga

Ayan! I-view nyo ng bongga

3. So sa customer service muna ako pumila. pang-5 ako sa aga ko na nga dumating di pa rin ako una. Hahahaha! Joke! Dun check check lang nung kuya ung requirements mo (requirements lang ay filled up application form, photocopy of birth certificate or any government issued ids) tapos bigyan ka nya number for next step. Next step for me ay window 15.

ayan ang customer service

ayan ang customer service

 

ayan ang number ko

ayan ang number ko 104 ako sa nagapply ng student’s permit

4. Pinage ako at pinapunta sa window 15, kinuha ang mga papers na dala ko tapos sabi niya sige basahin mo yan (may nakadikit sa window), taas mo ang kanang kamay mo. Hahahaha! May panunumpang naganap. “….As if my life depends on it, so it does”. Lahat ng babasahin mo sa dulo may ganyan wording. After that autograph muna and then waitlakels ulit dahil next window na tayo. Window 16.

5. Window 16 – Picture taking na. And the usual wala nanamang pasabi sabi si kuya na kinunan na pala niya ako. Hahaha! Sabi nya na lang bigla, “okay signature po” and then next window na ulit.

6. Cashier – after the photo-ops sabi ni kuya wait lang daw at tatawagin naman ang name ko for payment, after mga 10mins siguro tinawag nako para magbayada sa window 18, i think? I paid Php318.00 for the student’s permit. After that the lady told me na basahin ang nakapaskil sa window niya. if student’s permit, sa window 21 po kayo at if driver’s license or renewal e window 20 ata yun. Ayun larga.

7. Releasing  – after 10-15 minutes of waiting

tadaaaaaa!!!!!!

tadaaaaaa!!!!!!

Wa-epek ang pagmamake-up. Sayang ang effort dahil super linaw ng camera nila at ng pagkaka-print.

Now I can start learning how to drive a manual car. HAHAHAHAHAHAHA!!!!

My goal: To be able to drive a stick shift car within a month para makapagdrive ako going to Pagudpud. Balak kasi ng mudra at pudra ko na mag-Pagudpud, edi kami kasya sa car kasi pito kami, ayun bitbit ng isa pang carlalooo. Sana kayanin ko, at sana kayanin din ni Dino. Hahahahaha!!!! Thanks din!!!!

Tin tin Blog Signature

 

 

  • cindy medina

    ang saya saya mo naman. panay ang tawa. wahahaha

  • Syempre tita. Para light lang. Hihi